Copy niyo lang at pakisalansan na lang ung Balangkas Konseptwal may picture naman un ng paggagayahan
at ung sa Talatanungan naman ay Copy nio lang automatic na un mag aalign.
Sana makatulong sa inyo.
Sana Guys paki subscribe para gumawa pa ako ng mga ganito para makatulong pa ako sa mga estudyanteng kagaya nio.
Sana Guys paki subscribe para gumawa pa ako ng mga ganito para makatulong pa ako sa mga estudyanteng kagaya nio.
...............................................................................................................................
Bataan Heroes Memorial College
Roman Super Highway Balanga City, Bataan
‘Pagtangkilik sa
Albularyo sa Modernong Panahon’
Isang Pamanahunang Papel
na iniharap kay:
Carolina Samson Estrada
Gurosa Filipino ll
Bilang pagtupad sa isa sa
mga pangangailangan sa Asignaturang Filipinoll
Pagbasa at pagsulat tungo
sa pananaliksik ni:
Lance V. Valdez
Paghahandog
Una nagpapasalamat ako
sa Diyos na ginagabayan ako sa lahat ng oras. Inihahandog ko ang aking thesis
sa aking pamilya at kaibigan na tumulong sa akin upang matapos ko ang aking thesis.
Inihahandog ko ang aking gawa sa mga mamamayan ng Central na tumulong din sa
akin. Inihahandog ko din sa aking guro sa Filipino na hindi nagkulang magbigay ng
impormasyon para magawa ko ang aking thesis.
Pasasalamat
Nagpapasalamat ako sa aking guro na
si Maam Carolina S. Estrada dahil sa walang sawa niya kaming tinuruan kahit pa
na makukulit kaming mga estudyante. Nagpapasalamat din ako sa aking eskwelahan
ng Bataan Heroes Memorial College dahil hinubog nila ang aking kaisipan sa
ibang mga bagay.
Kabanata I
AngSuliranin at
SanliganngPag-aaral
Panimula
Ngayong unti-unti ng umuunlad ang ating bansa may
mga kababayan tayo sa probinsiya na halos napag-iwanan ng panahon. Sa panahon
ngaun halos mas dumadami ang nagkakasakit at habang ang mga may kaya sa buhay
ay nakakapagpagamot sa ospital ang mga kapatid naman natin sa probinsiya ay sa
albularyo lamang nagpapagamot.
Talagang kaakibat na yata ng tao ang sakit sa
pang-araw-araw na pamumuhay. Kahit anong pag-iwas man ang gawin ng tao ay hindi
mawawala ang mga karamdaman sa ating paligid. Magmula pa man noong unang
panahon, ang sakit ay bahagi na ng pamumuhay ng tao. Ang iba sa mga ito ay
nagagamot subalit ang ilan naman ay tanging Poong Lumikha na lamang ang
nakakaalam ng kagamutan. Subalit isa lamang ang malinaw, may iba't-ibang sanhi
ang sakit na dumadapo sa katawan ng tao. Nariyan na ang dala ng pagod, maruming
paligid, walang kontrol sa pagkain, hindi maususustansiyang pagkain, at ang iba
pa nga ay sanhi ng hindi maipaliwanag na dahilan o mga sakit na dala ng mga
nilalang na hindi nakikita ng ating mga mata.
Kaya naman bawat sakit na dumadapo sa bawat tao ay
may kanya-kanyang pamamaraan ng panggagamot. May makabagong pamamaraan gamit
ang siyensya at may tradisyunal din, gamit ang paniniwala o kapangyarihang
ibinigay sa tao mula sa kalikasan o matinding pananampalataya.
Ang mga Pilipino ay likas na ispiritwal, malakas ang
paniniwala sa mga ispiritu na kung tawagin ay anitos at engkanto na namumugad
sa mga bundok, kweba, dagat at bato. Kung kaya’t napakadali para sa mga
Pilipino ang makipag-usap o makipag-ugnayan sa ganitong uri ng lakas na nakatutulong
sa kanilang panggagamot. Dahil ang mga Pilipino ay hindi dumidepende lamang sa
limang uri ng pakiramdam, sila’y may kakayahang tumanggap ng konseptong di
pangkaraniwan. Ang mga Pilipino ay likas na palakaibigan at kalmado, dahil dito
malakas ang kanilang pakiramdam at may kakayahang buksan ang isipan sa
masmalawak na sakop kumpara sa ibang tao. Ito’y sadyang totoo sa mga Pilipinong
taga baryo o probinsya.
Nang dahil sa mga paniniwala ng mga Pilipino sa mga
elemento at iba pang mga kababalaghan na nangyayari sa paligid na hindi
maipaliwanag, kaya sa mga albularyo tayo lumalapit, sila ay kilalang
alternatibong manggagamot sa Pilipinas. Sila ay bantog lalo na sa mga maralita
para sa kanilang panggagamot sa abot-kayang halaga. Sila ay kadalasang nakikita
at pinipilahan sa mga barrio o mga barangay. Sila ay nagtataglay ng kaalaman sa
paggamit ng halamang gamot upang makapag paggaling ng iba't ibang sakit lalo na
sa pilay at bali sa buto. Maliban sa halamang gamot, sila rin ay gumagamit ng
salmo o awit kasabay sa paggamit ng langis at ipinapahid sa parte ng katawan ng
may sakit. Ang kanilang kakayahan ay pinaniniwalaang nagbuhat sa basbas ng mga
espiritu at anito sa kagubatan. Ang pagsusuring kanilang isinasagawa ay hindi
lamang sa pisikal na pamamaraan kundi sa emosyonal at espirituwal na antas.
Halos bawat kultura rin sa Pilipinas ay mayroong
kanya-kanyang uri ng albularyong umaayon sa kani-kanilang klase ng pamumuhay.
Madalas silang matatagpuan sa mga rural na lugar kung saan mahirap matamasa ang
modernong medisina. Maraming tumatangkilik sa mga serbisyo nila dahil higit na
mas mura ang alternatibong ito kung ikukumpara sa komersyal na mga gamot at
operasyon. Tunay na masasabing napapanahon pa rin ang mga albularyo kahit sa
kasalukuyang henerasyon.
Karaniwang base ang pamamaraan ng kanyang
panggagamot sa mga katutubong paniniwala at lapit na relihiyoso. Gumagamit sila
ng mga halamang gamot at pambihirang mga bagay tulad ng pagkit ng kandila at
balahibo ng hayop para sa matatawag marahil na ritwal ng panggagamot. Madalas,
tinatawag rin ng mga albularyo ang ‘di umano’y kapangyarihan ng Espirito Santo
upang gamitin sa isang orasyon o bulong na may layunin pagalingin ang pasyente.
Importante rin marahil tukuyin na ang mga serbisyo ng isang albularyo ay
karaniwang kinakailangan kapag ang diperensya ng isang tao ay may katangian
ring mistikal o mahiwaga. Halimbawa na lamang rito ang mga biktima ng kulam at
mga kababaihang nililigawan daw ng mga kapre, tikbalang at ng kung anu-ano pa.
Ang
mga albularyo ay isa na sa mga tradisyon sa Pilipinasna sinasangguni ng iba’t
ibang klase ng tao na maypaniniwalang maaari itong makagamot ng kanilang sakit.
Mayroong iba’t ibang katawagan ang mga tradisyunal na manggagamot dito
saPilipinas, ang mga ito ay: manghihila, manghihilot, mangluluop, mangtatawas,
babaylan at albularyo.
Laganap ang mga albularyo sa Pilipinas lalo na sa
mga probinsiya. Bagama’t walang tiyak na lunas ang hatid nito sa mga may sakit,
tinatangkilik pa rin ito ng mga mamamayan sa Pilipinas, ang pagpapagamot sa mga
albularyo ay itinuturing na sukatan ng tibay ng pananampalataya at tatag ng pananalig
sa tagapaglikha. Sinasabing karamihan sa kanila ay naninirahan sa baryo kung
saan naglipana din ang iba’t ibang kwento tungkol sa mga di-maipaliwanag na
pangayayari. Naging sentro din ang mga tradisyunal na manggagamot dahil sa mga taong
naghahanap ng lunas sa iba’t ibang klase ng sakit, kung saan para sakanila ay
milagrosong gumagaling ang kanilang mga karamdaman. Iba-ibaman ang paniniwala,
marami pa ring umuusisa at nahuhumaling na subukan ang kakayahan ng mga
albularyo na dulot na rin ng kasikatan nito sa bansa.
Ang mga albularyo ay hindi sang-ayon sa medisina.
Sila ay nagpapagaling na sang-ayon sa matandang paniniwala. Dahil na rin sa
murang serbisyo, at may kaunting kaalaman sa panggagamot na kanilang ginagawa
kaya sila ay mas tinatangkilik kesa sa mga ospital na mahal na ang mga gamot at
malayo pa ang barrio ng mga taga probinsiya mula sa bayan. Mahirap silang
masisi dahil na rin sa hirap ng buhay at kulang pa ang proggrama ng gobyerno sa
mga gantong mga bagay kaya ang ilan sa doktor ay boluntaryong nagpupunta sa mga
liblib na lugar para makapanggamot at makatulong sa kapwa.
Bago pa man dumating ang mga kastila sa ating bansa,
may manggagamot na tayo sa Pilipinas at sila ang mga Babaylan, na may malaking
ambag sa ating kultura at tradisyon, kasama sila sa humulma ng paniniwala sa
mga hindi maipaliwanag na kababalaghan na tanging imahinasyon lang ang
makakapagpaliwanag. Malimit na babae ang babaylan, sila ang unang manggagamot
hindi lamang ng pisikal na sakit bagkus maging ng sukal ng loob at dumi ng isip
ng isang tao.Ang babaylan ay bahagi ng estrukturang panlipunan at
pang-ekonomiya, at tagapayo ng datu at ng panday. Ang kakayahan ng babaylan,ay
makipag-usap sa mga kaluluwang yumao o kaya'y sa mga espiritu ng kaligiran.
Kalimitan ang babaylan ang pinuno ng isang pamayanan
Sanligan ng Pag-aaral
Natutungkol ang pag-aaral na ito sa mga albularyo na
may kakayahang manggamot.
Isinagawa ang pag-aaral na ito sa tulong ng
mamamayan ng central.
Balangkas Konseptwal at Paradigma ng Pag-aaral
|
Kinalabasan
a.Di na sila gagastos ng malaki
b.Mabilis
silang makakapag pagamot
k.maaayos
agad ng mabilis ang isang problema
a.may
pagkukuhanan ng pera pag kailangan
b.mareresolbahan
agad ang isang problema
k.hindi
na kinakabahan sa lahat ng oras
a.nagkakaroon
ng ipon para sa kinabukasan
b.para
hindi na magmamadali sa paggawa ng importanteng bagay
k.matatapos
agad ng mabilis ang isang Gawain
|
Pamamaraan
a.maging
tapat sa lahat ng bagay
b.tulungan
ang isa’t –isa
k.maging
maparaan sa lahat ng bagay
a.huwag
maging magastos sa lahat na bagay
b.humanap
ng magandang solusyon
k.magkaroon
ng determinsyon sa sarili
a.huwag
mamili ng hindi importanteng bagay
b.unahin
muna ang mga mahahalagang bagay
k.maging
matiyaga at masipag sa lahat ng oras
|
Pinagbatayan
1.Bakit
marami parin ang tumatangkilik sa albularyo?
a.Dahil
mura ito?
b.Dahil
kadalasan malayo sa bayan
k.Maraming
na niniwala na mas mabisa parin ang albolaryo
2.Totoo
bang nakakagaling ng may sakit ang albularyo?
a.Sa
paniniwala ng iba.
b.pagiging
maparaan sa lahat ng problema
k.pagkakaroon
ng tiwala sa sarili
3.Ano
ang epekto ng mga ginagamit na halamang gamot ng isang albolaryo?
a.Lalong
nag kakasakit ang iba
b.Hindi
gumagaling ang mga karamdaman
k.Walang
nangyayari
|
|
Paglalahad ng Suliranin
Hinahangad sa pag-aaral na ito na malaman kung
bakit tinatangkilik parin ang mga albularyo hanggang ngayon.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Mahalaga
ang pag-aaral na ito upang malaman kung ano ang tulong ng mga albularyo sa
ating mamamayan at kung paano pananatilihin ang tradisyon na ito.
Magiging
makabuluhan ang pag-aaral na ito sa mga sumusunod:
Anak.
upang malaman nila na may mga albularyo pa
Albularyo.
para malaman nila na madami parin ang tumatang kilik sa kanila
Magulang.
para malaman nila na nakakagaling ang isang albularyo
Matatanda.
na pwede parin silang mag pa-albularyo kung ito ang nakasanayan nila
Pamilya.
na hindi dapat baliwalain ang isang albularyo.
Saklaw at Delimitasyon
Sinasaklaw
sa pag-aaral na ito ang Pagtangkilik sa Albularyo sa Modernong Panahon. Layunin
nito na maintindihan ang kung bakit hanggang sa ngayon ay tinatangkilik pa rin
ang mga albularyo. Ginagamit din sapag-aaral na ito ang mga panonood ng
dokumentaryo at iba pang babasahin katulad ng google sa internet.
Kahulugan at Katawagan
Binigyang katuturan ang
mga sumusunod na katawagan ayon sa pag-aaral at pananaliksik.
Albularyo.
Isang taong nagpapagaling na hindi sang-ayon sa medisina.
Anito.
Isang diyos na pinapaniwalaan ng mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga
Kastila
Babaylan.
Isang salitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot
Engkanto.
Isang uri ng nilalang sa mitolohiyang Pilipino na pinaniniwalaang may angking
kakayahang naiiba sa mga ordinaryong nilalang gaya ng tao at hayop.
Kabanata ll
Mga Kaugnayan Na Literatura At Pag-aaral
Binubuo
angkabanatang ito ngmga kaugnay na literatura at mga.Isinasagawang pag-aaral
tungkol sa Pagtangkilik sa Albularyo sa modernong panahon. Ito ay may malaking
epekto sa pagbabago ng kulturang Pilipino.Sa isinagawang pag-aaral ay nakalikom
ang mananaliksik ng maraming impormasyon tungkoldito, karamihan sa mga ito ay
ang malaki nitong epekto sa paraan ng paniniwala tungkol sa Panggagamot.
Mga
Kaugnay na literatura
Tinalakay
ni Bren Lovin (2010) Napatunayan na hindi basehan ang katayuan sa buhay ng
isang pasyenteng nais magpagamot sa mga albularyo. Hindi rin sukatan ang
natamong diploma ng mga tumatangkilik dito sapagkat base sa panayam at
obserbasyon ng mananaliksik, marami pa rin ang mga taong may-kaya at
nakapagtapos ng pag-aaral ang naniniwala sa tradisyunal/ folk medicine.
Kabanata III
Pamamaraan Ng Pananaliksik
Paraanng Pananaliksik
Sa
pag-aaral na ito ginagamitan ng disenyong palarawan at pasuri. Naniniwala ang nagsagawa
ng pag-aaral na ito sa pagsusuring pagtangkilik sa albularyo sa modernong panahon.
Sa pamamagitan na ito ay malalaman natin kung gaano ka importante ang pagtangkilik
sa albularyo sa modernong panahon.
Pinasagot
ang 30 katao na mamamayan ng Central , at mga nakatira sa Balanga sa isang uri ng
talatanungan inihanda ng mananaliksik upang makuha at makapag tipon ng mga datos
batay sa pagsusuring ginagawa.
Sinasaklaw din
sapag-aaral na ito ang pamaraang pasuri dahil narin sa pangangailangang makabuo
ng mga pamantayang maaaring pagbatayan ng sinasabing pag-aaral.
Teknik sa Pagsusuri
Binibigyang kalutasan sa
pag-aaral na ito ang suliranin sa pamamagitan ng mga kaisipang inuugnay sa mga datus
na natuklasan. Gumawa ang mga mananaliksik ng mga angkop na pamantayan upang makabuo
sa isang pangkalahatang anyo ng mga maaaring sundin sa mga gawain pang
pag-aaral hinggil sa Pagtangkilik sa albularyo sa modernong panahon.
Bukod
sa mga nabanggit nagamit din ang mga sumusunod:
Pagbabasa
ng mga pahayagan o dyaryo na may kinalaman tungkol sa aking pag-aaral sa Pagtangkilik
sa Albularyo sa Modernong panahon. Panonood ng bidyu sa internet ng mga dokumentaryo
o balitang tumatalakay sa aking pag-aaral.
Paraan ng Pagbibigay ng Datos
Ang pangangalap ng mga
datos ay hindi naging makabuluhan kung hindi pinag-ukulan ng sapat na pagpapahalaga
ang mga ito. Masusing hinimay at lubos na inunawa ang mga nakalagdang datos ng sa
gayon ay makabuo ng tamang impormasyon tungkol sa Pagtangkilik sa albularyo sa modernong
panahon.
Ginamitan
ng pamaraang istatistika upang mabigyan ng kaukulang interpretasyon ang mga naitalang
datos na nakatulong upang mabigyan linaw ang pag-aaral na ito.
Narito
ang pormulang ginamit
P=F/N x 100
Kung
saan ang P = bahagdan o Percentage F
= frequency count
N = total frequency
Kaugnay nito, sinuri ng mabuti
ang mga akdang tuon ng pag-aaral na ito. Sininikap na maitala ang kahulugan ng bawat
elementong kasangkot sa kabuuan nito upang maisa-isa ang mga paksang kahalagahan
ng pananaliksik.
Sinasadyang pinili ang paksang
Pagtangkilik sa albularyo sa modernong panahon upang malaman natin kung gaano kahirap
ang kanilang buhay at maintindihan natin kung paano nila nireresolbahan ang kanilang
problema upang makaahon sa buhay.
Pamamaraan ng Pagsusuri
Matapos malikom ang lahat
ng mga datos, sinikap ng mananaliksik na makabuo ng pamantayan sa pagsusuring magamit
sa susunod pang pag-aaral na may tuon sa paksa.
Kabanata IV
Paglalahad at
PagsusuringDatos
Ang kabanatang ito ay
naka pokus sa paglalahad ng mga datos na nalikom mula sa talatanungan na
pinasagutan sa mga reposndents at gayundin ng pansariling pagsusuring
mananaliksik batay sa isang pamantayang binuo para sa pag-aaral na ito.
Talahanayan 1
Propayal at Pagbabahagdan
sa Edad at Kasarian ng mga Tagasagot
Gulang
|
Lalaki
|
Bahagdan(%)
|
Babae
|
Bahagdan(%)
|
Kabuuan
|
10
– 20
21
– 30
31
– 40
41
- Pataas
|
3
10
1
1
|
10%
33.33%
3.33%
3.33%
|
4
3
6
2
|
13.33%
10%
20%
6.67%
|
23.33%
43.33%
23.33%
10%
|
Kabuuan
|
15
|
50%
|
15
|
50%
|
100%
|
Ipinapakita sa Talahanayan 1 ang gulang o
edad ng mga tagasagot. Sa lalaki ang gulangna 10 – 20 ay may bahagdang 10% at
sa gulang na 21 – 30 ay my bahagdang 33.33% at sagulang na 31 – 40 ay my 3.33% at sa 40 – pataas ay my 3.33%. Sa
babaeanggulang na 10 – 20 ay may bahagdang 13.33% at sagulangna 21 – 30 ay may
bahagdang 10% sagulangna 31 – 40 ay may bahagdang 20% at sagulangna 40 – pataas
ay may bahagdan na 6.67%. Ito ay my kabuuang 30 na may bahagdang 100%.
Bilang kabuuan ang tagasagot ay
binubuo ng 15 lalaki o 50% at 15 nababae o 50% parasakabuuang 30 na katao na
may bahagdang 100%.
Talahanayan 2
Propayl
at Pagbabahagdanng Estado ng Pamumuhay ng mga Tagasagot
Estado ng Pamumuhay
|
Lalaki
|
Bahagdan (%)
|
Babae
|
Bahagdan (%)
|
Kabuuan
|
Bahagdan (%)
|
May
Trabaho
|
6
|
20%
|
7
|
23.33%
|
13
|
43.33%
|
WalangTrabaho
|
1
|
3.33%
|
3
|
10%
|
4
|
13.33%
|
Tambay
|
2
|
6.67%
|
1
|
3.33%
|
3
|
10%
|
Estudyante
|
6
|
20%
|
4
|
13.33%
|
10
|
33.33%
|
Kabuuan
|
15
|
50
|
15
|
50%
|
30
|
100%
|
Ipinapakita naman sa Talahanayan 2
ang pagbabahagdan sa estadong pamumuhay ng mga tagasagot. Halos may 13 o 43.33%
ang may trabaho. Halos 4 o 13.33% ang walang trabaho. Halos 3 o 10% naman ang
tambay at 10 o 33.33% ang estudyante.
Ito ay may kabuuang bilang na 15
lalaki at 15 nababae o 100% para sa kabuuang 30 nakatao.
Talahanayan
3
Pagbabahagdan ng
mga Dapat bang Tangkilikin ang Albularyo
Dahilan
|
Sang-ayon
|
Bahagdan (%)
|
Hindi Sang-ayon
|
Bahagdan (%)
|
dahil
nakakagaling silang may sakit
|
26
|
86.67%
|
4
|
13.33%
|
dahil wala
naman silang lisensya
|
9
|
30%
|
21
|
70%
|
dahil baka kung saan lang galing ang
ginagamit
nilang halamang gamot.
|
9
|
30%
|
21
|
70%
|
Ipinapakita sa
Talahanayan 3 ang propayl at bahagdan ng bilang ng mga taga-sagot na
sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon sa binigay ng mananaliksik ng mga maaaring
maging solusyon para makaahon sa buhay. Saunang dahilan ng 26 katao o 86.67%
ang sumang-ayon at 4 katao o 13.33% anghindi sang-ayon.Saikalawangdahilanna 9
katao o 30% ang sang-ayon at 21 katao o 70% anghindi sang-ayon.Saikatlongdahilanna
9 katao o 30% ang sang-ayon at 21 katao o 70% anghindi sang-ayon.
Talahanayan
4
Pagbabahagdan
ng mga Epekto ng Pagpapagamot sa Albularyo
Epekto
|
Naranasan
|
%
|
Di-Naranasan
|
%
|
Bahagdan
|
Nagkaroon ng
problema dahil nag pa albularyo
|
4
|
13.33%
|
26
|
86.67%
|
100%
|
Gumaling ang
karamdaman dahil sa albularyo
|
6
|
20%
|
24
|
80%
|
100%
|
Walang
nangyari
|
7
|
23.33%
|
23
|
76.67%
|
100%
|
Ipinapakita sa Talahanayan 4 ang
bahagdan at bilang ng mga taga-sagot na Naranasan at Di-Naranasan sa binigay ng
mananaliksik na mga epekto ng panggagamot ng albularyo.Sa unang dahilan ng 4
katao o 13.33% ang naranasan at 26 katao o 86.67% ang di-naranasan. Sa
ikalawang dahilan ng 6 katao o 20% ang naranasan at 24 o 80% ang di-naranasan.Sa
ikatlong dahilan 7 katao o 23.33% ang naranasan at 23 katao o 76.67% ang
di-naranasan
Talahanayan
5
Pagbabahagdan
ng Bakit tinatangkilik ang Albularyo
Paraan
|
Sang-ayon
|
%
|
Di-Sang-ayon
|
%
|
Bahagdan
|
mura ang
pagpapagamot dito
|
23
|
76.67%
|
7
|
23.33%
|
100%
|
malalayo sila
sa bayan
|
20
|
66.67%
|
10
|
33.33%
|
100%
|
nakasanayan na
nilang mag pa-gamot dito
|
18
|
60%
|
12
|
40%
|
100%
|
Ipinapakita sa Talahanayan 5 ang
bahagdan at bilang ng mga tagasagot na dapat gawin at hindi dapat gawin sa
binigay ng mananaliksik na kung bakit tinatangkilik pa rin ang albularyo.Sa
unang dahilan na 23 katao o 76.67% ang sang-ayon at 7 katao o 23.33% ang
di-sang-ayon.Sa ikalawang dahilan na 20 katao o 66.67% ang sang-ayon at 10 katao
o 33.33% ang di-sang-ayon.Sa ikatlong dahilan na 18 katao o 60% ang sang-ayon
at 12 katao o 40% ang di-sang-ayon
Kabanata
V
Lagom
na mga Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon
Lagom na mga Natuklasan
Matapos ang ginawang pagsusuri,
natuklasan ng mananaliksik ang mga sumusunod na kasagutan:
1.Propayl
na taga-sagot
Ayon sa aking ginawang pag-aaral,
marami ang mga babae mula sa gulang na
21- Pataas ay may bilang 7 o 23.33% ang may trabaho kaysa sa mga lalaki na 21-
pataas na bilang 6 o 20% ang may
trabaho.
2.
Mga Alternatibong paraan para makaiwas sa mga sakit
Natuklasan ko sa aking pag-aaral na
ang pangunahin alternatibong solusyon para maiwasan ang mga sakit ay panatilihing
malusog ang katawan at kung sakali man na hindi talaga maiiwasan mas mabuting
sa ospital na agad magpakunsulta para maipayo ng mga doktorang dapat gawin
dahil sila ay nag-aral ng medisina at mas alam nila ang makakabuti para sa may
sakit.
3.Epekto
ng Albularyo sa ating Lipunan
Ayon sa aking pagsusuri, ang
pangunahing epekto albularyo sa ating lipunan ay panatilihin ang kulturang
Pilipino na unti-unti ng nawawala dahil sa impluwensiya ng ibang bansa.
Konklusyon
Base
sa kinalabasan ng aking pag-aaral ang isang dahilan ng kung bakit tinatangkilik
pa rin ang mga albularyo ay dahil sa mura na ang serbisyo at tanging ang
albularyo lang ang tanging malalapitan ng mga nasa baryo kapag sila ay nagkakasakit.
Rekomendasyon
Mababawasan
ang mga lumalala ang sakit kung pagtutuunan ng pansin ng ating gobyerno ang mga nasa probinsiya na malayo sa
lungsod, maglungsad ng proyekto kung saan makikinabang ang mga kababayan natin
na nasa mga liblib na lugar para mabigyan sila ng kaalaman na wag basta umasa
sa mga albularyo dahil hindi hilot at tawas ang gamut sa lahat ng sakit.
Talatanungan
Ang
mga sumusunod na katanungan ay malayang sasagutin ng mga taga-sagot.
A.Pangalan:
_____________________________________________
Estado ng Pamumuhay:__________________________
Panuto: Bilugan
ang titik na sa tingin mo ang pinakatamang sagot.
B. Bakit
tinatangkilik parin ang albularyo?
a. Dahil mura ang pagpapagamot dito?
b. Dahil malalayo sila sa bayan?
k. Dahil nakasanayan na nilang mag
pa-gamot dito?
K. Nakakagaling
ba ng may sakit ang mga halamang gamut ng isang albularyo?
a. Hindi dahil lalo itong lumalala
b. Oo dahil natural na mga halaman ang
ginagamit nila
k. Hindi sigurado dahil hindi pa
nakapagpapagamot sa mga ito
Panuto:
Lagyanngtsek
kung sang-ayon o di sang-ayon
D. Dapat
bang tangkilikin ang albularyo?
Sang-ayon
|
Di Sang-ayon
|
a. Ou dahil nakakagaling silang may
sakit
b.Hindi dahil wala naman silang lisensya
c. Hindi dahil baka kung saan lang
galing ang ginagamit
nilang halamang gamot.
E. Ano
ang mga epekto kapag nag pa-albularyo?
Nararanasan
|
Di Nararanasan
|
a. Nagkaroon ng problema dahil nag pa
albularyo
b. Gumaling ang karamdaman dahil sa
albularyo
c. Walang nangyari
No comments:
Post a Comment